Kawalan by Makatang Rosas

This is a special entry by a dear friend, someone I consider as my second mom, and she gifted me with this poem and it’s very fitting of my situation right now.. Thank you, Makatang Rosas. 😘




Sa sandali ng pagtahak sa landas ng pag-iisa,

Sa daigdig na kung saan hindi ka na nakakasama ;

Walang oras at sandaling hindi kita naaalala ,

Pagkat ang mundo kong ito salat sa kulay at sigla.


Para akong naroroon naglalakbay sa kawalan,

Kung saan ako patutungo yun ay hindi ko alam;

Pagkat ang pagsintang taglay ay pilit kong iniiwasan,

Ay sadyang naroon pa rin at aking nararamdaman.


Saan ako paroroon at dadalhin nitong paa?

Kung ang iyong mga haplos ay di ko na nadarama,

At ang bawat tagpong yao’y silay na lang sa alaala,

Mayroon pa ba sa mga labing mga ngiting maliligaya?


Tahimik ang bawat paligid at puso ko ay nakaratay,

Nag-iisip sa desisyong ipinasyang maibigay;

Paano paninindigang tuluyan na sayong mawalay,

Kung ang damdamin kong ito sabik pa ring naghihintay.


Bawat sandali sa pagtahak ko ng landas,

Nais pa ring sariwain yaong mga nakalipas,

Pinagyayaman ko pa rin mga natitirang bakas,

Pagkat nais ka pang makasama sa darating na mga bukas.



– Makatang Rosas

Sa Malayang Tulaan

10/16/2017  11:53am

Advertisements

2 thoughts on “Kawalan by Makatang Rosas

  1. It’s really annoying when a story is basically happening in you…when your heart is just exactly as heavy as the thought of a poem…when you feel extreme sadness upon reading it..as if you are completely in that situation…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s